yiiie! RA. No. 10175 (CYBERCRIME PREVENTION LAW)
“RA. No. 10175 (CYBERCRIME PREVENTION LAW) Sa October 3 ipagbabawal na daw nila ito, bawal na ang mga movies sa internet, bawal na ang torrents, pati pagda-download ng mp3’s, movies, pati ibang mga games, original na DAW dapat lahat ng mga windows installer ang gagamitin sa mga Computer at laptops natin, hindi na kayo makakanood ng mga bagong animes na inaantabayan nyo kasi bawal na daw, wala ng LIVE streaming ng mga laban ni Pacquiao at NBA at iba pang sports, pati yung mga nagpapahayag ng mga sariling opinion nila sa mga comment sections bawal na rin lalo na kung may kinakalaban kang tao lalo na pag sa gobyerno, pati i-like yung mga komento nila at mga status nila BAWAL uungkatin pati mga old posts natin, mawawala na ang FREEDOM OF SPEECH, at sa susunod bawal na rin magsaya, huminga at saka kung anu-ano pa . PakiRepost Nalang daw!” — Hahahahahaha, Ang saya mo naman, hahahahaha (Facebook Page) Sana naman, bago nila pinatupad yang batas na yan, inisip muna nila ang kalagayan ng Pilipinas. Hindi ito napapanahon. Mulat na ang mga mata ng mga Pilipino sa kahirapan. Sobrang higpit na halos di na makahinga ang kanilang sinturon dahil sa pagiging gipit o tipid sa pera. Sabay-sabay ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa mga pamilihan sa buong Pilipinas, sunod-sunod na trahedya ang ating nararanasan at milyon-milyon din ang mga ari-ariang napipinsala. Hindi lahat ng Pilipino ay may kaya. Tulad ko, isa lamang akong estudyante na nakakatanggap ng 10% na bawas sa aking tuition fee at walang trabaho ang aking ina, iisang anak din ako. Internet ang ginagawa kong pang-aliw kaysa marinig ninyo akong nagsasalitang mag-isa.
Para saakin, tama lang na i-hack ng mga Pinoy Hackers ang mga public websites ng Pilipinas. Dahil hindi nila naiisip ang presyo ng simpleng pagdodownload ng kanta. Halimbawa, kung ako’y mahilig sa kanta, kailangan ko bang gumastos ng P1000.00 para lang marinig ang paborito kong kanta? Paano na ang Freedom of Speech ng ating bansa? Anong gagawin namin sa aming Facebook, twitter, at Tumblr accounts? Ano to? Decoration lang? Masabi lang na meron? Ang hirap sa batas na yan… pati simpleng pag like, ay bawal na. Palibhasa’y di nila nararamdaman ang saya ng mga gumagamit ng facebook.
![]() Nakagawian na ng tao na kapag galing sa eskwela, trabaho, at kung saan man… Pag-uwi ay mag-iinternet, gagamit ng facebook, at mag sstatus ng kung ano-ano. Pano na ngayon? Ang babaw ng Pilipinas! Unahin nyo muna ang pangunahing problema.
Eto namang Noynoy na to, pirma lang ng pirma. Di na inisip ang kaligayahan ng Iba.
THIRD YEAR HIGH SCHOOL NA AKO! :D AUGUSTINE ANG SECTION KO! :)
Yep! 3rd year na ako! :D Parang kelan lang eh kakalipat ko lang sa GCS. :)) Know more about us! :D Eto ang adviser ko, Si Ms. Josephine Machate
Sya? She doesn’t expect much saamin. Parang, kung ano ang kaya namin, masaya sya. Dinidisiplina kami… pinapangaralan kami… at ginagabayan kami… Sya ang nanay namin! :) Super Blessed ako at naging teacher ko sya
MAHAL KO ANG SECTION KO NGAYON. DI KO SINASABING MAS MAHAL KO TO SA PREVIOUS SECTIONS KO MULA NURSERY HANGGANG 2ND YEAR (SAVIO, LISHU). PAREPAREHO ANG PAGMAMAHAL NA IBINUHOS KO SA KANILA, PAREPAREHONG PAGTINGIN. WALANG MAS AT PINAKA. OO, MAIKUKUMPARA MINSAN PERO PAREHO LANG TALAGA. SANA GANYAN DIN KAYO. :) God Bless
#AUGUSTINE
PERSUADING
|
![]() |